Header ads

Ticker

6/recent/ticker-posts

Direk Rahyan Carlos at Star Magic, pinag-iingat ang mga showbiz hopefuls sa mga scammers calling for fake auditions and casting calls

Nagbabala si Direk Rahyan at Star Magic sa mga gustong maging mag-artista laban sa mga gumagamit ng pangalan nila para makapambiktima. Hindi umano sila nagsasagawa ng audition para sa mga ginawagawang teleserye at pelikula ng ABS-CBN. “Hindi kami nagpapa-audition para sa anumang pelikula or tv series at lalo nang hindi kami magpapa-audition kung saan kinakailangang maghubad ang talent,” pahayag nila.

Nagbigay ng babala ang film and TV director na si Rahyan Carlos at ang Star Magic sa mga nangangarap maging artista tungkol sa mga naglipanang scammers na nagsasagawa ng fake auditions at casting calls.

Ito ang isiniwalat nila sa kanilang social media accounts ngayong araw, March 13.

Heto ang nilalaman ng artcard ng Star Magic:

“We at Star Magic Workshops would like to remind everyone that we are not casting or conducting any auditions for any projects.

“We remain solely a training institution for the performing arts. Any person misrepresenting our head of training department, Rahyan Carlos or anyone from the Star Magic Workshops teachers or staff shall be dealt with the full legal action in accordance with the law.”

Nakarating daw kasi sa kaalaman nila na may taong nagpapangap at nagpapakilala bilang si Direk Rahyan para mambiktima sa mga aspiring actors.

“It has come to our attention that someone is using Direk Rahyan Carlos name and Star Magic Workshops name and reputation to lure people to audition and prey on minors,” pahayag ng direktor at ng Star Magic sa kanilang identical Instagram posts.

Hindi umano sila nagsasagawa ng audition para sa mga ginawagawang teleserye at pelikula ng ABS-CBN.

“Uulitin ko po hindi kami nagpapa-audition para sa anumang pelikula or tv series at lalo nang hindi kami magpapa-audition kung saan kinakailangang maghubad ang talent,” pahayag nila.

“The mere fact na ang mga scammers na ito ay hindi nagbubukas ng video sa mga online auditions nila is already a red flag at ginagamit lang ang mga basic photos ko pretending to be me.”

Iginiit din nila na mas nakatuon umano sila sa acting, voice, and dance workshops at hindi sa audition. Kaya naman pinag-iingat nila ang publiko laban sa mga nagsasagawa ng audition at nagpapakilalang taga-Star Magic. 

“Uulitin ko we only do quality workshops for acting voice and dance. Mag-ingat po sa mga manloloko, posers at fake audition,” dagdag pa nila.

“Trust only information that is communicated through our official social media pages. Thank You! Please share to warn your friends,” pagtatapos nila with matching hashtags #bewareofscammers #bewareoffakeauditions #auditionscam #warnyourfriends.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento