Header ads

Ticker

6/recent/ticker-posts

Showbiz newbie Shiena Yu, iniyakan ng tatay nang magpa sexy sa pelikula

Paliwanag ni Shiena Yu sa kanyang tatay sa ginagawa n'yang pagpapa-sexy: “Sabi ko, ‘Papa, wala naman ako pinagkaiba kapag nanonood tayo ng Miss Universe, ng mga pageant. Naka-two-piece [bikini] sila, wala naman ako pinagkaiba du’n.’”

Makailang ulit daw na nagpaliwanag ang baguhang sexy actress na si Shiena Yu sa kanyang tatay ukol sa kanyang pagpapa-sexy sa mga pelikula. 

Inamin n’ya ito sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph kamakailan.

Puro sexy roles kasi ang ginampanan na n’ya sa apat na projects niyang ginawa, gaya ng mga pelikulang Pamasahe at Sitio Diablo, ang digital series na Stalkers, at ang kaka-release pa lang na sexy-comedy sa Vivamax na Salamat, Daks.

Dahil dito ay natanong namin s’ya kung ano ang naging reaksyon ng kanyang pamilya dito.

Tsika ni Shiena sa amin, noon pa man daw ay nagpapa-sexy na talaga s’ya sa mga photoshoots. Nagmo-modelo na rin daw kasi s’ya noon sa mga event tulad ng mga car shows bago pa s’ya napunta sa showbiz.

Sa totoo n’yan, bago pa ako [maging artistasa Viva, talagang dati pa lang nagse-sexy-sexy na ako,” lahad n’ya.

Nu’ng days na nag-aaral ako sa college s’yempre hindi pa p’wede kasi under pa ako ng magulang ko nu’n.”

Nagsimula umano s’yang payagan ng kanyang parents sa ganitong uri ng raket noong nakatapos na s’ya ng college. 

Pagka-graduate ko ng college, nag-usap kami ng magulang ko kung p’wede na nila akong payagan, ganito, ganyan, gumimik, rumaket, mag-events... kasi big girl na ako. Parang ganu’n,” pagbabalik-tanaw ng newbie actress.

Pero may limit pa rin. Alam ko pa rin naman ’yong limit ko,” agad na paglilinaw n’ya. 

At first, tutol daw ang tatay n’ya sa kanyang trabaho, na kabaliktaran naman ng nanay n’ya na nakasuporta sa kanya. 

Pero nu’ng una, nu’ng nagpo-photoshoot ako ng mga sexy, hindi maintindihan ng Papa ko. Pero ’yong Mama ko naka-support s’ya,” kuwento ni Shiena. 

Umabot pa nga daw sa puntong iniyakan s’ya ng tatay n’ya dahil ayaw nitong nakikita ng mga tao ang sexy photos n’ya online.

Nu’ng una, naiiyak s’ya pag nakikita n’ya sa social media [ang sexy photos ko]. Umiyak s’ya sa akin. Sabi n’ya, ‘’Nak, may pinag-aralan ka naman. Bakit kailangang ganu’n?’” tanong umano nito sa kanya.

Paliwanag naman daw n’ya dito, pareho lang umano ang ginagawa n’ya sa mga napapanood nilang beauty queens na rumarampa onstage nang naka-bikini.

Sabi ko, ‘Papa, wala naman ako pinagkaiba kapag nanonood tayo ng Miss Universe, ng mga pageant. Naka-two-piece [bikini] sila, wala naman ako pinagkaiba du’n,’” katwiran n’ya sa usapan nila before. 

“‘Ako nga lang nakita mo sa social media. Sila nakita natin sa TV. Pero wala naman ako ginawang masama. Naka-two-piece lang din naman ako nu’ng nakita mo ako, ’di ba?’” dagdag pa n’ya.

Nauunawaan naman daw n’ya ang pinanggagalingan nito at kung bakit ito protective sa kanya. 

Siguro parang hindi pa n’ya ganu’n katanggap kasi bunso ako sa babae, e,” ani Shiena.

Panibagong paliwanagan din daw ang nangyari nang ipaalam n’ya dito na mag-aartista s’ya at mapapanood sa Vivamax.

Na-excite nga daw ang tatay n’ya nang ibalita n’yang magsu-showbiz na s’ya pero agad din daw itong nadismaya. 

In-explain ko pa ulit nu’ng sa Viva na, ‘Pa, mag-aartista ako.’ Sabi n’ya, ‘Oh, talaga, nak? Saan? Anong channel?’ ‘Sa Viva.’ Medyo… ayon, na ano naman s’ya. Parang natuwa s’ya na artista ’yong anak n’ya pero… Alam n’yo, ’yon?” kuwento pa n’ya sa amin. 

Tiniyak naman daw n’ya dito na paraan n’ya lang ang pagpapa-sexy para makapasok sa showbiz at hindi naman n’ya ito gagawin sa kanyang entire career. 

Ine-explain ko palagi sa kanila na stepping stone ko s’ya. Hindi naman palagi na ano… art naman s’ya, e, ’yong pagpapa-sexy,” she recalled. 

Sabi ko sa kanya, ‘Kasi, Papa, may nabasa ako na libro. Ang katawan talaga ng babae o ng tao is meant to be seen, meant to be talaga na makita s’ya, na ma-admire s’ya,” esplika pa n’ya sa kanyang ama.

Kasi nagiging masama lang naman ’yong isip ng ibang tao kasi masama sila mag-isip pag dating sa sexy [scenes],” pagtatapos ni Shiena. 

Sa ngayon ay palabas na available na for streaming sa Vivamax ang digital series n’yang Stalkers with Wilbert Ross and Rose Van Ginkel, at ang bago n’yang pelikula na Salamat, Daks kasama sina Nikko Natividad at Ayanna Misola.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

PANOORIN ang kabuuang interview ng pikapika.ph kay Shiena Yu dito: 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento