Header ads

Ticker

6/recent/ticker-posts

Yasmien Kurdi, sumingit ng quick family vacay sa Batangas; "hot momma" swimwear post, pinusuan ng netizens




 Photos: @yasmien_kurdi

Naging sobrang busy kasi si Yasmien sa ilang buwan na taping para sa upcoming GMA teleserye na The Missing Husband kunsaan co-stars niya sina Jak Roberto, Joross Gamboa, Sophie Albert, at Rocco Nacino. Noong malibre ang schedule ni Yasmien, nagplano agad silang pamilya ng isang relaxing family vacation.


Sinamantala ni Yasmien Kurdi at ng kanyang pamilya ang mainit na panahon noong nakaraang linggo para ma-enjoy nila ang beach.

Sa kilalang beach resort sa Nasugbu, Batangas nagbakasyon ang pamilya ni Yasmien. 

Naging sobrang busy kasi si Yasmien sa ilang buwan na taping para sa upcoming GMA teleserye na The Missing Husband kunsaan co-stars niya sina Jak RobertoJoross GamboaSophie Albert, at Rocco Nacino.

Nag-shoot pa sila ng buong cast sa Dubai, UAE last May. 

Noong malibre ang schedule ni Yasmien, nagplano agad silang pamilya ng isang relaxing family vacation.

Huling family vacation nila ay sa Japan noong nakaraang summer.

Pinusuan ng netizens ang mga pinost na photos at videos ni Yasmien, lalo na sa suot niyang green bathing suit. 

Mukha raw “hot momma” si Yasmien dahil sa sexy figure nito ngayon.

Hindi rin nakawala sa mga netizen ang lambingan nila Yasmien at Rey habang sakay sila ng isang private yacht.

“Bongga 'yung may private yacht at pa-private island… Nag-enjoy kami ng family ko,” caption ni Yasmien.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento